Anong gagawin
1. I-download ang aming template ng plano ng site para sa mga parking lane at gumuhit ng sarili ninyong plano para sa paggamit ng bangketa
Para sa mga parklet at parking lane
Dapat ninyong gamitin ang aming template ng plano ng site.
Template ng plano ng site para sa Shared Spaces
Dapat ninyong iguhit ang plano ng site ninyo ayon sa sukat sa template na ito.
Magagawa ninyo iyon gamit ang PDF Editor gaya ng Adobe Acrobat, o puwede ninyo itong i-print, guhitan, at i-scan.
Dapat kayong mag-upload ng nakumpleto at nilagdaang bersyon ng mga template at checklist kasama ng inyong application.
Para sa paggamit ng bangketa
Guguhit kayo ng sarili ninyong plano ng site. Kasama dapat dito ang mga dimensyon kung saan kayo maglalagay ng mga mesa at upuan, o display na paninda.
Hindi kayo puwedeng gumuhit ng mga plano ng site gamit ang kamay. Dapat ninyong iguhit ang mga iyon sa isang computer program.
Narito ang mga halimbawang plano ng site. Tingnan ang para sa uri ng permit kung saan kayo nag-a-apply:

2. Ipakita ang harap ng inyong tindahan sa template
Ipakita ang inyong negosyo at ang harapan ng inyong negosyo. Lagyan ng label kung nasaan ang inyong negosyo.
Lagyan ng label ang bangketa at kalye sa harap ng inyong negosyo.
3. Sukatin ang mga dimensyon ng inyong paggamit ng bangketa o parklet
Para sa parking lane, sukatin ang haba, lapad, at taas ng inyong parklet. Isulat ang mga sukat sa template.
Kung nasa kalapit na espasyo ang anumang bahagi ng parklet, ipakita rin ang mga dimensyong iyon.
Para sa paggamit ng bangketa, sukatin kung gaano kalaking espasyo ang gagamitin ninyo. Isulat ang mga sukat sa plano.
Kalkulahin kung gaano kalaking square footage ng bangketa ang gagamitin ninyo para sa mga mesa at upuan o display na paninda.
Gagamitin ito para kalkulahin ang inyong mga bayarin, at hihingin namin ito sa inyo kapag nag-apply kayo. Suspindido ang mga bayarin hanggang Abril 2022.
4. Ipakita ang anumang kalapit na espasyo
Kung lalampas ang parklet sa property line, lagyan ng label ang espasyo ng inyong kapitbahay. Idagdag ang mga pangalan at address ng kalye ng anumang kalapit na negosyong nasa unang palapag na nakaharap sa kalye.
5. Idagdag ang lahat ng harang sa bangketa
Iguhit ang anumang parking meter, bike rack, puno, at iba pang harang sa bangketa.
6. Idagdag ang mga detalyeng ito
Gumuhit ng arrow sa direksyon ng hilaga sa template.
Ipakita ang lapad ng inyong bangketa.
7. Suriin ang checklist ng disenyo
Dapat sumunod ang inyong paggamit ng bangketa o parklet sa lahat ng aming patnubay sa disenyo. Suriin ang checklist at tingnan kung natutugunan ng inyong espasyo ang mga kinakailangan.
8. Lagdaan ang PDF
Dapat ninyong lagdaan ang dokumento.
Dapat kayong mag-upload ng nakumpleto at nilagdaang template ng plano ng site at checklist ng disenyo kasama ng inyong application.
Puwede ninyo itong i-scan o kunan ng litrato para ma-upload ninyo ito kasama ng inyong aplikasyon.
Humingi ng tulong
Shared Spaces
Last updated September 15, 2021