Kumuha ng katibayan ng kamatayan para sa isang taong namatay sa loob ng nakaraang 3 taon

Ang mga katibayan ng kamatayan ay makukuha sa personal, at sa pamamagitan ng koreo

Anong gagawin

Para sa isang taong namatay mahigit sa 3 taon na ang nakaraan sa San Francisco, pumunta sa County Clerk 

Pumunta sa Kagawaran ng Pambublikong Kalusugan, Tanggapan ng Mahahalagang Tala

Mag-apply para makakuha ng katibayan ng kamatayan sa personal. Ang katibayan ng kamatayan ay para dapat sa isang tao na:

  • Namatay wala pang 3 taon ang nakaraan sa San Francisco

Ang taong nag-a-apply ay dapat na magdala ng walang bisang ID na may larawang inisyu ng pamahalaan. Tatanggapin namin ang mga ID mula sa ibang mga dayuhang pamahalaan.

Maaari kang magbayad sa pamamagitan ng Visa, Mastercard, o salaping hawak. Maaari ka ring magbayad sa pamamagitan ng money order, sa dolyar ng US.

Naniningil kami sa bawat paghahanap, kaya babayaran mo ang singil kahit na hindi namin makita ang tala.

Para makatipid sa oras, maaari mo ring dalhin ang iyong nakumpletong aplikasyon.

Department of Public Health

Tanggapan ng Mahahalagang Tala
101 Grove Street, Room 105
San Francisco, CA 94102

Mon to Fri, 8:00 am to 4:00 pm

View location on google maps

Sarado sa mga pista opisyal.

Mail

Mail

1. Punan ang form

2. Gawing notaryado ang pahayag

Dalhin ang iyong form sa isang notaryo sa publiko at ipanotaryo ito. 

Hindi mo kailangang ipanotaryo ang iyong aplikasyon para sa isang Kopyang Pang-impormasyon. Pero ang iyong katibayan ay magkakaroon ng "Pang-impormasyon: Hindi wastong dokumento para magtaguyod ng pagkakakilanlan" na nakalimbag sa dokumento.

3. Ipadala ang aplikasyon

Dapat mong isama ang:

  • Ang iyong aplikasyon
  • Notaryadong sinumpaang pahayag
  • Sobreng may paunang bayad at address na pagpapadalahan pabalik
  • Money order na $24 kada kopya

Ipadala sa:

Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco
Tanggapan ng Mahahalagang Tala
101 Grove Street, Room 105
San Francisco, CA 94102

Dapat mong kunin ang katibayan ng kamatayan sa loob ng 5 hanggang 10 araw ng negosyo.

4. Pinabilis na serbisyo

Kung kailangan mo nang mabilisan ang iyong katibayan, maaari kang magdagdag ng $30 na bayad para mapabilis ang pagproseso ng iyong aplikasyon.

Hindi kasama sa bayad ang mabilisang paghahatid. Maaari kang magsama ng sobre na pangmabilisan (tulad ng UPS o FedEx) sa halip na self-addressed na naselyohang sobre. 

Sino ang maaaring kumuha ng katibayan ng kamatayan

Maaari kang mag-apply para sa Sertipikadong Awtorisadong Kopya ng katibayan ng kamatayan para sa:

  • Iyong asawa, magulang, lolo't lola, apo, anak, kapatid, o domestic partner na nakarehistro sa estado

Kahit sino ay maaaring humiling ng pang-impormasyong kopya ng katibayan ng kamatayan.

Espesyal na mga kaso

Kumuha ng katibayan ng kamatayan para sa ibang tao

Kumuha ng katibayan ng kamatayan para sa ibang tao

Maaari ka ring mag-apply para sa Sertipikadong Awtorisadong Kopya ng isang katibayan ng kamatayan kung ikaw ay:

  • May sertipikadong utos ng korte
  • May wastong Kapangyarihan ng Abogadong dokumento
  • Awtorisadong abogado (na may mga dokumento sumusuporta)
  • Lisensyadong ahensya ng pag-aampon (na may utos ng pag-abandona)
  • Nagtatrabaho para sa ibang ahensya ng pamahalaan (na may ID sa pagtatrabaho at sulat mula sa tagapangasiwa na nagpapahintulot sa iyong kahilingan)

     

Correcting a death certificate

Correcting a death certificate

Correcting or ammending a death certificate happens at the state level. Go to the California Department of Public Health page for more information.

Humingi ng tulong

Department of Public Health

Tanggapan ng Mahahalagang Tala
101 Grove Street
Room 105
San Francisco, CA 94102

Mon to Fri, 8:00 am to 4:00 pm

View location on google maps

Sarado sa mga pista opisyal.

Phone

Tanggapan ng Mahahalagang Tala

Last updated August 3, 2022