Anong gagawin
Tingnan ang mga limitasyon sa lokasyon ng parking lane
Hindi kayo puwedeng magtayo ng parklet o gumamit ng parking lane sa:
- Mga pula o asul na curb
- Bus stop o transit shelter
- 20 talampakan mula sa papasok na interseksyon o 8 talampakan mula sa mga papalabas na interseksyon
- Dati nang istasyon para sa bikeshare, kung hindi maililipat ang istasyon sa isang kalapit na lokasyon
Tingnan ang manual ng Shared Spaces para sa higit pang detalye.
Tingnan ang mga limitasyon sa lokasyon ng bangketa
Lalim ng bangketa
Dapat kayong magpanatili ng 8 talampakang daanan sa inyong bangketa kung pisikal itong posible.
Kung hindi pisikal na posibleng magkaroon ng 8 talampakang daanan, posibleng payagan namin ang 6 na talampakang daanan. Hinding-hindi pinapayagan ang daanang wala pang 6 na talampakan.
Access at kaligtasan sa sunog
Hindi puwedeng harangan ng inyong Shared Space ang access sa isang fire escape, standpipe, o koneksyon sa Departamento ng Bumbero.
Para sa mga fire escape, dapat walang harang ang 4 na talampakan sa magkabilang gilid ng drop-down ladder.
Para sa mga standpipe at iba pang koneksyon sa Departamento, 3 talampakan ang dapat walang harang.
(Puwedeng payagan ang mga pagbubukod sa ilang sitwasyon. Puwede kaming makipagtulungan sa inyo para mag-apply para sa Inspeksyon para sa Clearance sa Sunog.)
Mga rampa sa gilid ng bangketa
Kung may mga rampa sa gilid ng inyong bangketa, dapat ninyo itong panatilihing walang harang at magagamit sa lahat ng pagkakataon.
Tapusin ang inyong Shared Space para sa pandemya
Kung mayroon kayong permit sa Shared Spaces para sa pandemya at hindi ninyo magamit ang parking lane o ang bangketa, dapat ninyong alisin ang inyong parklet at tapusin ang paggamit sa bangketa.
Sundin ang aming mga instruksyon para tapusin ang inyong Shared Space.
Humingi ng tulong
Shared Spaces
Last updated September 15, 2021