Anong gagawin
1. Maging handa sa taunang pagtaas ng renta
Itinataas ng mga nagmamay-ari ng gusali ang inyong renta upang matugunan ang mga gastos sa pagpapanatili ng inyong gusali.
Sa pangkalahatan, itinataas ang mga renta nang isang beses sa isang taon. Ang mga pagtaas ay karaniwang mula sa mga pagbabago sa AMI sa San Francisco. Hanapin ang inyong antas sa AMI.
Batay ang halaga ng pagtataas ng inyong renta sa kung aling programang pabahay nasasailalim ang inyong gusali. Sa kasaysayan, ang average na pagtaas ng renta ay mga 3% kada taon.
2. Alamin kung mayroong kayong pagtaas ng renta
Makatatanggap kayo ng nakasulat na abiso nang hindi bababa sa 30 araw bago ang petsa kung kailan eepekto ang bagong halaga ng renta.
3. Makipag-usap sa inyong tagapamahala ng property kung mayroon kayong mga tanong
Tanungin ang inyong tagapamahala ng property tungkol sa pagtataas ng inyong renta, sa inyong gusali, at sa programang pabahay.
Hilinging makipag-usap sa isang tagapamahala kung mayroon pa kayong mga tanong.
Kumuha ng tulong sa inyong renta
Kung hindi ninyo mababayaran ang inyong renta, makatutulong ang mga organisasyon sa komunidad. Matutulungan kayo ng mga organisasyong ito na makakuha ngisang beses na pinansyal na tulong at mangasiwa ng problema sa pabahay. Ang Lungsod ay mayroon ding programa para sa mga umuupa upang maiwasan ang pagpapaalis.
Kwentahin ang porsyento ng kita na ginagasta ninyo sa mga gastos sa pabahay. Tinatawag itong pagbigat sa inyong renta. Halimbawa, kung mayroon kayong mga buwanang gastos sa pabahay na $800 at buwanang kita na $2000, ang inyong gastusin sa pagrenta ay 40%. Kwentahin ang inyong gastusin sa pagrenta.
Kakailanganin ninyong malaman ang pabigat sa inyong renta kapag kukuha ng tulong sa inyong renta.
Espesyal na mga kaso
Mga pagtaas ng renta para sa mga tulong sa renta
Mga pagtaas ng renta para sa mga tulong sa renta
Para sa mga nangungupahang gumagamit ng mga tulong sa renta, tulad ng Seksyon 8 o Shelter + Care, sa pangkalahatan, tataas lang ang inyong renta kapag lumalaki ang inyong kita.
Humingi ng tulong
Tanungin ang inyong tagapamahala ng property
Last updated October 24, 2022