Anong gagawin
1. Alamin kung kwalipikado ang inyong negosyo
If you are an Eligible Venue and have previously applied, you do not need to reapply.
Dapat nagkaroon ng permit sa Lugar ng Entertainment (Place of Entertainment, POE) ang iyong negosyo noong Pebrero 25, 2020. Kailangan mo ring panatilihin ang permit sa POE na iyon.
Mga Pagpapatakbo
Ang pangunahing tungkulin ng iyong negosyo ay dapat pag-aalok ng live entertainment, na ibig sabihin ay mayroon kang:
- Mga espasyo para sa pagtatanghal at audience
- Sound system
- Lighting system
Madalas na live entertainment
Bago ang Pebrero 25, 2020, dapat ay nakapagbigay ka ng live entertainment sa average na 16 o mahigit na araw sa isang buwan, o araw-araw na nakabukas kayo sa publiko.
Dapat kang mangakong magbubukas ulit, kapag posible, nang may live entertainment sa average na 16 o mahigit na araw kada buwan, o araw-araw kung nakabukas kayo sa publiko.
Marketing
Dapat mo ring i-market ang mga pagtatanghal sa iyong venue nang tinutukoy sa pangalan ang mga partikular na tagapagtanghal.
Pagmamay-ari
Ang iyong negosyo ay hindi maaaring pagmamay-ari, pinapamahalaan, o eksklusibong na-book ng isang pampublikong kumpanya.
2. Tingnan ang aming pamantayan sa priyoridad
Gagamitin namin ang mga pamantayang ito upang magbigay ng priyoridad sa mga pagbabayad sa gawad.
Hindi kinakailangan ang mga pamantayang ito upang mag-apply para sa gawad na ito.
Ang aming mga pamantayan sa priyoridad ay:
- Nasa operasyon nang 15 taon
- Nakarehistro sa Legacy Business Registry ng Lungsod
- May maximum na occupancy na mas kaunti sa 1,000 tao sa iyong permit sa Lugar ng Asembleya mula sa Departamento ng Bumbero
- Matatagpuan sa loob ng, at nag-aambag sa isang Cultural District
- Nasa napipintong panganib ng pagsasara
Ang ibig sabihin ng napipintong panganib ng pagsasara ay kakailanganin mong magsara nang permanente sa loob ng 90 araw.
3. Mangtipon ng impormasyon tungkol sa inyong negosyo
Tatanungin namin kayo tungkol sa:
- Ang iyong Numero ng Account ng Negosyo (Business Account Number, BAN) (kung hindi mo ito alam, maaari mo itong hanapin)
- Ang maximum na occupancy sa iyong permit sa Lugar ng Asembleya mula sa Departamento ng Bumbero
- Ang iyong ID ng Supplier ng Lungsod, kung nakarehistro ka na bilang Supplier (hindi mo kailangan ng ID ng Supplier ng Lungsod upang mag-apply para sa gawad na ito)
4. Mangalap ng mga floor plan at kumuha ng mga larawan ng iyong espasyo
Kailangan mong i-upload ang mga materyales na ito kasama ng iyong aplikasyon:
- Floor plan o mga larawang ipinapakita ang mga tinutukoy na espasyo para sa pagtatanghal at audience. (Magagamit mo ang floor plan na ginagamit para sa mga layunin ng insurance o lokal na inspeksyon sa sunog.)
- Mga larawan, resibo, o dokumento sa insurance na nagpapakita ng mga sound at lighting system
Kung marami kang larawan ng iyong espasyo ng floor plan, i-zip ang mga ito nang magkakasama sa iisang file.
5. Magtipon ng mga materyales tungkol sa iyong mga nakaraang event
Dapat mong patunayang nagbigay ka ng live entertainment sa average na 16 o mahigit na araw sa isang buwan, o araw-araw kung nakabukas kayo sa publiko na may:
- Mga dokumento ng madalas na live entertainment
- Mga materyales sa marketing
Mga dokumento ng madalas na live entertainment
Kung magbibigay ka ng average na hindi bababa sa 16 na araw sa buwan, dapat magpakita ang iyong mga dokumento ng hindi bababa sa 16 na araw ng pagtatanghal sa buwan.
Kung nagbibigay ka ng live entertainment araw-araw at bukas sa publiko ang iyong negosyo, dapat ipakita ng iyong mga dokumento ang lahat ng pagtatanghal sa buwan.
Maaaring mula Enero 2019 hanggang Pebrero 2020 ang mga dokumentong ito.
Maaaring kabilang sa mga dokumento ang:
- Box office o mga ulat sa ticket na may mga petsa, artist, o event, mga presyo ng ticket, at bilang ng mga nabentang ticket
- Mga nakasulat na kasunduan o kontrata sa mga nakaiskedyul na tagapagtanghal bago ang pagtatanghal na nagtatatag ng garantisadong bayarin o porsyento ng mga nabentang ticket. (Maaaring ituring na kasunduan o kontrata ang isang email thread.)
- Iba pang dokumentong nagpapakitang nagbigay ka ng live entertainment sa average na hindi bababa sa 16 na araw sa isang buwan, o araw-araw na nakabukas kayo sa publiko
Kung marami kang larawan o dokumento, i-zip ang mga ito nang magkakasama sa iisang file. Ia-upload mo ang mga ito kasama ng iyong aplikasyon.
Mga materyales sa marketing
Mag-scan o kumuha ng screenshot ng 1 buwan ng mga materyales sa marketing. Maaari kang pumili ng anumang 1 buwan sa pagitan ng Enero 2019 at Pebrero 2020 upang ipakita ang mga materyales sa marketing.
Magsama ng mga materyales na naglilista ng mga entertainment na event na nakaharap sa publiko. Dapat magpakita ang mga ito ng mga pamagat ng event na may mga partikular na tagapagtanghal, oras ng palabas, at petsa.
Ang ilang halimbawa ay:
- Print o electronic advertising
- Mga nabayarang resibo para sa advertising
- Kalendaryo ng pagtatanghal
- Mga social media page
Ia-upload mo ang mga ito kasama ng iyong aplikasyon.
Kung marami kang larawan ng iyong materyales sa marketing, i-zip ang mga ito nang magkakasama sa iisang file.
6. Mangalap ng iba pang dokumento
Opsyonal ang mga ito.
Nasa napipintong panganib ng pagsasara
Kung ikaw ay nasa napipintong panganib ng pagsasara, magkakaroon ka ng opsyong patunayan na kakailanganin mong magsara sa loob ng 90 araw.
Hindi ka maaaring ituring na nasa "napipintong panganib ng pagsasara" kung ang venue ay pagmamay-ari, sa kabuuan o bahagya, pinamamahalaan, o eksklusibong na-book ng anumang organisasyong:
- Nagmamay-ari o nagpapatakbo ng mga venue sa mahigit 1 bansa
- Nagmamay-ari o nagpapatakbo ng mga venue sa mahigit 2 estado
- May mahigit 150 empleyado mula Pebrero 25, 2020 sa pagitan ng lahat ng subsidiary at affiliate nito
Kung pinapatakbo ang iyong negosyo sa pag-aari ng Lungsod or tumatanggap ito ng pangkalahatang pinansyal na suporta sa pagpapatakbo mula sa Lungsod, maaari itong sumailalim sa masusing pagsusuri.
Maaaring makatulong ang sumusuportang dokumentasyon na ipakitang nasa panganib ka ng pagsasara at hindi makapagbayad ng 3 buwan ng kabuuang gastusin gamit ang sarili mong pera sa bulsa at buwanang kita, o humaharap ka sa iba pang sitwasyon gaya ng utang na kailangang bayaran.
Magtipon ng mga dokumento tulad ng statement ng kita at mga statement ng bangko. Maaari mong i-upload ang mga ito kasama ng iyong aplikasyon.
Cultural District
Tatanungin namin sa iyo kung saang Cultural District ka, kung naaangkop, at kung paano ka nag-aambag sa distrito sa pangkasaysayan o pang-ekonomiyang paraan.
Maaaring makatulong ang sumusuportang dokumentasyon na ipakita ang iyong pangkasaysayan o pang-ekonomiyang tungkulin sa Cultural District mo.
Ang dokumentasyong ito ay maaaring:
- Cultural, History, Housing and Economic Sustainability Strategy Report (CHESS report)
- Pagmamapa ng asset
- Iba pang inisyatibong pangkultura
- Mga artikulo sa media
- Iba pang pahayag na nagpapakita ng pang-ekonomiyang epekto ng iyong negosyo sa Cultural District
Maaari mong i-upload ang mga ito kasama ng iyong aplikasyon.
7. Suriin ang aming mga legal na kasunduan
Ang may-ari ng negosyo ang kailangang mag-apply para sa gawad.
Para mag-apply, kailangan mo ring sumang-ayon na:
- Nahihirapan ang iyong negosyo dahil sa kawalan ng kita o mga gastusing nauugnay sa COVID-19
- Pinapanatili mo ang iyong pag-upa o pagmamay-aari ng espasyo ng venue
- Balak mong panatilihin ang iyong pag-upa o pagmamay-ari ng espasyo ng venue sa hinaharap para sa live entertainment
- Tumpak ang lahat ng impormasyon sa iyong aplikasyon
8. Mag-apply
Sarado na ang grant na ito.
9. Hintayin ang aming email
Magpapadala kami sa iyo ng email bago ang Mayo 26, 2021 upang ipabatid sa iyo ang status ng aplikasyon mo.
Mga kahulugan ng gawad
Mga kahulugan ng gawad
Pagpapasya sa kwalipikadong venue
Ang iyong venue ay dapat na may:
- Nakatukoy na espasyo para sa pagtatanghal
- Nakatukoy na espasyo para sa audience
- Sound system
- Lighting system
Nakatukoy na espasyo para sa pagtatanghal
Ang nakatukoy na espasyo para sa pagtatanghal ay isang natatanging pisikal na espasyo para sa live entertainment na programa. Ito ay maaaring drama, musika, sayaw, comedy, o iba pang live na aktibidad na sining ng pagtatanghal.
Nakatukoy na espasyo para sa audience
Ang nakatukoy na espasyo para sa audience ay isang natatanging pisikal na lugar kung saan nakakaranas ang audience ng live entertainment na programa mula sa espasyo ng pagtatanghal.
Sound system
Dapat ay may sound system ang iyong venue na may mixing equipment at public address (PA) system.
Ang “mixing equipment” ay sound mixer na naghahalo ng 2 o mahigit na signal ng audio, nagbibigay ng isa o mahigit na signal ng output, nagbibigay-daan sa pagsasaayos ng mga antas at pagpapahusay ng tunog na may equalization at mga effect, at gumagawa ng mga monitor feed.
Ang “public address system” ay isang electronic system na may hindi bababa sa 1 mikropono, amplifier, at loudspeaker na nagpapataas ng volume ng boses ng tao, instrumentong pangmusika, o iba pang source ng acoustic na tunog o naka-record na tunog o musika.
Lighting system
A lighting system ay isang istruktura na humahawak ng mga ilaw para sa pagpapaliwanag ng entablado o iba pang nakatukoy na espasyo para sa pagtatanghal.
Pagpapasya ng pamantayan sa priyoridad
Nasa napipintong panganib ng pagsasara
Itinuturing na nasa "napipintong panganib ng pagsasara" ang isang negosyo kung ipinapakita ng pinagsamang buwanang gastusin at buwanang kita nito na hindi mababayaran ng pera sa bulsa nito ang tatlong buwan ng kabuuang gastusin nito, o may iba pang sitwasyon (tulad ng utang na kailangang bayaran) na pipilit sa negosyong magsara nang permanente sa loob ng 90 araw.
Hindi ka maaaring ituring na nasa "napipintong panganib ng pagsasara" kung ang venue ay pagmamay-ari, sa kabuuan o bahagya, pinamamahalaan, o eksklusibong na-book ng anumang organisasyong:
- Nagmamay-ari o nagpapatakbo ng mga venue sa mahigit 1 bansa
- Nagmamay-ari o nagpapatakbo ng mga venue sa mahigit 2 estado
- May mahigit 150 empleyado mula Pebrero 25, 2020 sa pagitan ng lahat ng subsidiary at affiliate nito
Kung pinapatakbo ang iyong negosyo sa pag-aari ng Lungsod or tumatanggap ito ng pangkalahatang pinansyal na suporta sa pagpapatakbo mula sa Lungsod, maaari itong sumailalim sa masusing pagsusuri.
Mga Cultural District
May makasaysayang kahalagahan ang venue sa, o sa mga kamakailang taon ay naging mahalagang pang-ekonomiyang puwersa ito sa, isa o mahigit na Cultural District, gaya ng tinukoy sa Kabanata 107 ng Kodigong Pang-administratibo.
Tingnan ang ating mapa ng mga Cultural District.
Mga Legacy na Negosyo
Ang venue ay isang "Legacy na Negosyo" sa ilalim ng Seksyon 2A.242 ng Kodigong Pang-administratibo. Tingnan ang Registry ng Legacy na Negosyo.
Permit sa Lugar ng Asembleya
Kung may occupancy na mas kaunti sa 1,000 tao ang isang venue, magiging kwalipikado ito para sa pamantayan sa priyoridad.
Dapat may maximum na occupancy na mas kaunti sa 1,000 patron ang venue sa pinakakamakailang permit sa Lugar ng Asembleya na inisyu para sa venue sa ilalim ng Chapter 1 ng Kodigo sa Sunog.
Ginawa ng Lungsod ang San Francisco Music and Entertainment Venue Recovery Fund (ang "Pondo ng Venue") sa unang bahagi ng 2021 upang magbigay ng pinansyal na suporta sa mga venue ng musika at entertainment na nakabase sa San Francisco, upang maiwasan ang permanenteng pagsasara ng mga ito dahil sa mga panggigipit ng pandemya ng COVID 19.
Pinapangasiwaan ng Opisina ng Maliliit na Negosyo ng San Francisco ang Pondo ng Venue upang magbigay ng mga gawad sa Mga Kwalipikadong Venue, na may priyoridad para sa pamamahagi sa Mga Kwalipikadong Venue na tumutugon sa 2 o mahigit pang karagdagang pamantayan.
Humingi ng tulong
Phone
Opisina ng Maliliit na Negosyo
Opisina ng Maliliit na Negosyo
Last updated September 9, 2022