Mag-apply para sa mini-grant para sa maliliit na negosyo sa Fillmore

Makatanggap ng grant na hanggang $2,000 para sa mga independent na kontratista, tagapayo, o freelance na manggagawa sa Fillmore na apektado ng COVID-19.

Anong gagawin

We are no longer accepting applications.

1. Alamin kung kwalipikado ang iyong negosyo

Dapat ay nagtatrabaho ka sa District 5.

Alamin kung ang iyong negosyo ay nasa target na lugar ng Fillmore sa aming mapa ng mga komunidad na may mga negosyo.

Ang iyong negosyo ay dapat:

  • Isang for-profit na negosyo
  • Tumatakbo bago ang o mula pa noong Setyembre 16, 2019
  • Mas mababa sa $8,333 kada buwan o $100,000 kada taon ang gross na taunang kita
  • May 0 hanggang 1 full-time na empleyado sa payroll o isang independent na kontratista, tagapayo, o freelance na manggagawa. 
  • Nagkaroon ng 25% pagbaba ng kita dahil sa pagsasara o paghina ng mga pagpapatakbo sa panahon ng outbreak ng coronavirus
  • Sumunod sa public health order na Manatili sa bahay at sa gabay para sa mga negosyo

2. Ihanda ang iyong mga dokumento

Kakailanganin mong i-upload ang mga dokumentong ito para makapag-apply:

  • Napunan at nalagdaang W-9
  • Lisensya sa negosyo at pagpaparehistro ng negosyo sa SF
  • Ang iyong mga buwis sa negosyo
  • Katibayan ng address sa SF tulad ng Lisensya sa pagmamaneho, utility bill, upa, mga buwis

Kakailanganin mong patunayan ang 25% pagbaba ng kita sa loob ng 30 araw na panahon sa 2020 kumpara sa 2019 o 2018. Puwede kang magsumite ng mga bank statement, dokumento ng buwis, o ulat mula sa iyong accounting software o point of sale system.

Kung isa kang independent na kontratista, kailangan din namin ang mga income statement ng iyong negosyo para sa huling 6 na buwan. Puwede kang magsumite ng mga bank statement o ulat mula sa iyong accounting software o point of sale system.

3. Simulan ang iyong aplikasyon

Tatanungin ka namin tungkol sa iyong pagkakakilanlan, mga detalye ng iyong negosyo, at epekto ng coronavirus sa iyong negosyo.

4. Kung makakakuha ka ng mini-grant

Dapat kang mag-enroll sa hindi bababa sa 2 oportunidad sa virtual na pagkatuto na sumusuporta sa iyong negosyo.

Iba pang grant

Mayroon kaming mga mini-grant na available para sa ibang komunidad. Tingnan ang mga available na mini-grant para sa mga negosyong apektado ng outbreak ng coronavirus.

Mayroon din kaming pondo para sa mini-grant para sa mga negosyo sa San Francisco na 100% pag-aari ng babae. Sa iisang mini-grant lang puwedeng mag-apply ang mga negosyong pag-aari ng babae sa mga komunidad na ito.

Humingi ng tulong

Phone

Last updated June 30, 2022