Mag-apply para sa mini-grant ng Excelsior para sa maliliit na negosyo

Makakuha ng grant na hanggang $5,000 kung isa kang may-ari ng maliit na negosyo sa Excelsior na apektado ng outbreak ng coronavirus.

Anong gagawin

We are no longer accepting applications.

1. Alamin kung kwalipikado ang iyong negosyo

Alamin kung ang iyong negosyo ay nasa target na lugar ng Excelsior sa aming mapa ng mga komunidad na may mga negosyo.

Ang iyong negosyo ay dapat:

2. Ihanda ang iyong mga dokumento

Kakailanganin mong i-upload ang mga dokumentong ito para makapag-apply:

  • Napunan at nalagdaang W-9
  • Lisensya sa negosyo at pagpaparehistro ng negosyo sa SF
  • Iyong komersyal na lease (kung mayroon)
  • Plano sa muling pagbubukas o pag-recover ng iyong negosyo pagkatapos ng utos na Manatili sa Bahay

Kung mahalaga at nakabukas pa rin ang iyong negosyo, magpakita ng 25% pagbaba sa kita sa loob ng 30 araw sa 2020 kumpara sa 2019 o 2018. Ang katibayan ay puwedeng mga bank statement, dokumento ng buwis, o ulat mula sa iyong accounting software o point of sale system.

Kakailanganin mong i-download ang aming template ng plano sa muling pagbubukas at punan ito para sa iyong negosyo. Kapag nag-apply ka para sa mini-grant, ia-upload mo ang iyong plano.

3. Simulan ang iyong aplikasyon

Tatanungin ka namin tungkol sa iyong pagkakakilanlan, mga detalye ng iyong negosyo, at epekto ng coronavirus sa iyong negosyo.

Iba pang grant

Mayroon kaming mga mini-grant na available para sa ibang komunidad. Tingnan ang mga available na mini-grant para sa mga negosyong apektado ng outbreak ng coronavirus.

Mayroon din kaming pondo para sa mini-grant para sa mga negosyo sa San Francisco na 100% pag-aari ng babae. Sa iisang mini-grant lang puwedeng mag-apply ang mga negosyong pag-aari ng babae sa mga komunidad na ito.

Humingi ng tulong

Phone

Excelsior Action Group

Last updated June 30, 2022