Mag-apply para sa mini-grant ng Bayview para sa maliliit na negosyo

Makakuha ng grant na hanggang $10,000 kung isa kang may-ari ng maliit na negosyo sa Bayview na apektado ng outbreak ng coronavirus.

Anong gagawin

We are no longer accepting applications.

1. Alamin kung kwalipikado ang iyong negosyo

Alamin kung ang iyong negosyo ay nasa target na lugar ng Bayview sa aming mapa ng mga komunidad na may mga negosyo.

May 2 grant para sa maliliit na negosyo sa Bayview. Sa parehong grant ng Bayview, ang iyong negosyo ay dapat:

  • Isang for-profit na negosyo 
  • Mayroong may bisang lisensya sa negosyo sa SF
  • Full-time nang tumatakbo bago ang o mula pa noong Setyembre 16, 2019
  • Wala pang $2.5 milyong gross na taunang kita noong 2018 o 2019
  • Nagsara o nabawasan nang 25% sa kita sa panahon ng outbreak ng coronavirus

Para maging kwalipikado sa aming grant para sa komersyal na storefront, dapat ay nasa Third Street sa pagitan ng Evans at Jamestown ang iyong negosyo.

Kung wala kang komersyal na storefront, posibleng kwalipikado ka sa aming grant para sa mga nagsisimula pa lang na entrepreneur. Para maging kwalipikado sa grant na ito, dapat ay nakatira ka sa 94124 na zip code at mayroon kang makabuluhang kaugnayan sa komunidad ng Bayview.

 

2. Ihanda ang iyong mga dokumento

Kakailanganin mong i-upload ang mga dokumentong ito para makapag-apply:

  • Napunan at nalagdaang W-9
  • May bisang lisensya sa negosyo at pagpaparehistro ng negosyo sa SF

Para sa grant sa komersyal na storefront, kakailanganin mo ring mag-upload ng:

  • Katibayan ng address sa SF
  • Plano sa muling pagbubukas o pag-recover ng iyong negosyo pagkatapos ng utos na Manatili sa Bahay
  • Iyong komersyal na lease (kung mayroon)
  • Mga tax return ng negosyo

Kung mahalaga at nakabukas pa rin ang iyong negosyo, magpakita ng 25% pagbaba sa kita sa loob ng 30 araw sa 2020 kumpara sa 2019 o 2018. Puwede kang magsumite ng mga bank statement, dokumento ng buwis, o ulat mula sa iyong accounting software o point of sale system.

3. Simulan ang iyong aplikasyon

Tatanungin ka namin tungkol sa iyong pagkakakilanlan, mga detalye ng iyong negosyo, at epekto ng coronavirus sa iyong negosyo.
 

4. Kung makakakuha ka ng mini-grant

Dapat kang mag-enroll sa hindi bababa sa 2 oportunidad sa virtual na pagkatuto na sumusuporta sa iyong negosyo.

Iba pang grant

Mayroon kaming mga mini-grant na available para sa ibang komunidad. Tingnan ang mga available na mini-grant para sa mga negosyong apektado ng outbreak ng coronavirus.

Mayroon din kaming pondo para sa mini-grant para sa mga negosyo sa San Francisco na 100% pag-aari ng babae. Sa iisang mini-grant lang puwedeng mag-apply ang mga negosyong pag-aari ng babae sa mga komunidad na ito.

Humingi ng tulong

Phone

Economic Development on Third

Last updated June 30, 2022