2023 paligsahan para sa “Bumoto Ako!” na sticker F.A.Q.

Tingnan ang mga kasagutan sa mga madalas na katanungan tungkol sa paligsahan para sa disenyo ng opisyal na “Bumoto Ako!” na sticker ng San Francisco.

1. Sino ang maaaring sumali sa paligsahan na ito? 

Elihibleng sumali sa paligsahan na ito ang lahat ng mga nasa hustong-gulang na residente ng San Francisco at mga estudyante sa kolehiyo, maliban lang ang mga empleyado at opisyal ng Lungsod at County ng San Francisco. Ang bawat kalahok ay kailangang magbigay ng pahayag ng kanilang elihibilidad kasabay ng kanilang pagsusumite at, para manalo ng anumang premyo, ang isang kalahok na umabot sa huling yugto ng paligsahan, ay kailangan din na maberepika ang kanilang elihibilidad. Tandaan na mga boluntaryo at hindi mga empleyado ng Lungsod ang mga manggagawa sa botohan, at maaari silang sumali sa paligsahan na ito. 

2. Ano ang iskedyul ng paligsahan? 

  • Panahon para sa Pagsusumite - 8 a.m., Agosto 21, 2023 hanggang 11:59 p.m. Setyembre 22, 2023 (PT) 

  • Panahon para sa Pagsusuri ng Panel - Setyembre 28, 2023 hanggang Oktubre 7, 2023 

  • Panahon para sa Pagpili ng Publiko - Oktubre 10, 2023 hanggang Oktubre 17, 2023 

  • Pag-anunsyo ng Premyo - Oktubre 26, 2023 (itatakda pa ang eksaktong oras)

3. Magkano ang perang mapapanalunan?  

$1,000 para sa unang puwesto, $500 para sa pangalawang puwesto, at $300 para sa pangatlong puwesto.  

4. Paano ko maisusumite ang aking disenyo? 

Maaari ninyong isumite ang inyong disenyo sa pagitan ng Agosto 21, 2023 at Setyembre 22, 2023 sa pamamagitan ng isa sa mga paraan na ito:   

  1. Isumite ang inyong disenyo sa pamamagitan ng portal para sa pagsusumite. 

  1. I-email ang inyong disenyo sa sticker.contest@sfgov.org, kasama ang isang nakumpletong form para sa pagsusumite. 

  1. Ipadala sa pamamagitan ng koreo* o dalhin ang inyong disenyo sa Departamento ng mga Eleksyon, kasama ang isang nakumpletong form para sa pagsusumite. Ang address namin ay 1 Dr. Carlton B. Goodlett Place, Room 48, San Francisco, CA 94102. 

* Ang mga isinumite sa pamamagitan ng koreo na may postmark na Setyembre 22, 2023 ay tatanggapin lamang kung matatanggap ang mga ito bago ang Setyembre 27.  

5. Mayroon bang template para sa disenyo ng sticker?  

Opo, ang lahat ng mga entry ay kailangan na idinisenyo gamit ang mandatoryong pabilog na template para sa disenyo ng sticker ng Departamento. Maaari kayong gumamit ng anumang kulay sa paglikha ng disenyo na inyong isusumite, ngunit hindi ninyo maaaring baguhin o tanggalin ang mga isinalin na teksto.  

6. Mayroon pa bang ibang mga tuntunin sa disenyo? 

Opo. Ang lahat ng mga isusumiteng disenyo ng sticker ay kailangang sumunod sa mga alituntuning ito: 

  • Kailangang maglaman ng mga salitang “Bumoto Ako” 
  • Kailangang natatangi at may kaugnayan sa San Francisco 

  • Kailangang orihinal na likhang-sining (bawal ang mga stock photo o borrowed image) 

  • Kailangang neutral o hindi nagtataguyod ng anumang panig sa politika (hindi maaaring tumukoy sa anumang kampanya o mga isyu)  

  • Bawal na maglaman ng naka-copyright, naka-trademark, o branded na mga materyales 

  • Bawal maglaman ng masagwa, marahas, o mapanirang-puri na mga imahe o salita  

  • Bawal na maglaman ng anumang mga petsa o taon 

7. Ano ang itsura ng kasalukuyang “Bumoto Ako!” na sticker?

I-click dito para tingnan ang kasalukuyang sticker, na maraming dekada nang ginagamit!   

8. Puwede ba akong magsumite ng higit sa isang disenyo?

Opo, maaari kayong magsumite ng gaano man karaming disenyo na gusto ninyo.

9. Puwede ba akong maglagay sa aking disenyo ng karagdagang pagsasalin sa mga wika?

Opo, maaari kayong magdagdag ng gaano man karaming pagsasalin ng “Bumoto Ako!” ayon sa inyong kagustuhan, basta panatilihin ninyo ang mga pagsasalin sa Tsino, Espanyol, at Filipino, gayundin ang “San Francisco Elections” sa may hangganan ng itinakdang Template.

10. Kailangan bang guhit-kamay ko ang aking disenyo ng sticker? 

Hindi. Maaari ring digital ang pagkakalikha ng mga disenyo gamit ang isang graphic design software gaya ng InDesign, Illustrator, o Photoshop (ang mga isusumite na digital ang pagkakalikha ay kailangang mga vector file o imaheng JPEG na may mataas na resolusyon). 

11. Maaari ba akong magsumite ng disenyo na hindi pabilog? 

Hindi. Kailangang naaayon ang inyong disenyo sa mandatoryong pabilog na template para sa disenyo ng Departamento. Ang anumang mananalong disenyo ay kailangang magkasya sa loob ng bilog na tinatayang 2 pulgada ang diyametro (ang isang disenyo ay maaaring palakihin o paliitin para magkasya).  

12. Ibabalik ba sa akin ang aking likhang-sining matapos ko itong isumite sa Departamento ng mga Eleksyon? 

Hindi. Dahil sa dami ng inaasahan namin na matatanggap na mga pagsusumite, hindi kami magbabalik ng likhang-sining. Ang lahat ng isinumiteng likhang-sining sa paligsahan na ito ay magiging pagma-may-ari ng Departamento ng mga Eleksyon. 

13. Sino ang maaaring makilahok sa pagpili ng mananalong disenyo?

Mula Oktubre 10 hanggang Oktubre 17, 2023, ang sinumang residente ng San Francisco ay elihibleng pumili ng kanilang paboritong disenyo o piliin na panatilihin ang kasalukuyang disenyo ng sticker. Ang pagpiling ito ay maaaring gawin online o sa pamamagitan ng pagbisita sa aming tanggapan sa City Hall, Room 48 sa panahon ng pagpili. Ang link para sa pagpili ng inyong paboritong sticker ay ipo-post sa aming website sa Oktubre 10, 2023.

14. Mayroon pa bang ibang mga tuntunin at kundisyon? 

Opo. Nakadetalye ang mga ito sa pahina para sa opisyal na mga patakaran ng paligsahan, mga tuntunin at kundisyon.

Humingi ng tulong

Department of Elections

1 Dr. Carlton B. Goodlett Place
City Hall, Room 48
San Francisco, CA 94102

Phone

Fax: 415-554-7344
TTY: 415-554-4386

中文: 415-554-4367
Español: 415-554-4366
Filipino: 415-554-4310

Last updated August 28, 2023